
I am currently breaking down. My heart: literally aching. My eyes: crying. I am hurting so bad. Honestly, hindi ko talaga alam kung papano na 'to, kung papano ako makakalabas dito, kung papano mawawala yung sakit. At hindi lang basta sakit. There are no words to describe how painful it is.
Alam kong pareho kaming mali. At ayoko na magsabi pa kung sino mas nagkamali. Ayoko na ungkatin pa yung mga bagay at ayoko ng makealam pa. By that, I mean, ayoko ng ipilit pa kung anong tingin ko or kung ano ang mahalaga sakin. Tutal umpisa pa lang, pinagbibigyan niya na ako. (But the truth is, heart, I am slowly dying and I want to rip you off every time I feel this pain. Hindi ko alam kung papano yun pero bat niya nakakayang idetalye lahat ng pagkukulang at tingin niyang pagkakamali ko sa relationship na 'to? Papano yun? Tinatry ko na gawin yung gusto niya, ayaw niya pa din. Tinatry kong maging ako, mali naman yun. Heart, awang awa na ko sayo. :'( Araw araw, pikit mata ako na parang walang problema. Na parang ok lang sakin na wala siyang trabaho. At oo, mali ako dun. Mali ako na sumuko sa pagsuporta. Pero ang hindi ko maintindihan, mali din ako pag nagsalita ako. Hindi ko alam kung anung mali dun pero siguro hindi yun yung suportang gusto niya. Kaya eto, ginagawa ko na lang yung gusto niya. Heart, hindi ko talaga alam kung anong mangyayari samen. Natatakot ako. Nagdadalawang isip. Napapariwara at nawawalan ng pag-asa. Bibigyan ko siya ng trabaho, ayaw niya. Hindi ako magsasalita, sasama loob niya kasi di ko siya sinusuportahan. Malaking bagay na 'to. Buhay niya na 'to. At buhay ko din 'to.
Magkaiba kami ng gusto at orientation sa mga bagay. At oo, siguro tingin niyo kailangan ng compromise ngayon. I say, mali yun. Mali yun sa mga panahon na 'to dahil hindi mo pwedeng ilagay sa kompormiso ang buhay mo dahil dito nakasalalay ang kaligayahan at kalungkutan mo. I want to say one thing, sa sitwasyon na 'to hindi magiging masaya ang magpaparaya. You cannot sacrifice your happiness just so you could compromise.




(1st year)

I really miss this.














